Ang Itlog (Maikling kwento)

Ang Itlog

Likha ni Andy Weir

Pauwi ka nang ikaw’y pumanaw.

Naaksidente ka sa sasakyan at wala namang kinaibahan, gayumpaman, ikaw’y walang kamalay-malay. Iniwan mo ang iyong asawa at dalawang anak. Iyo’y walang sakit na kamatayan. Sinubukang gawin ng mga mediko ang lahat ng kanilang makakaya upang mailigtas ka, ngunit huli na ang lahat. Ang katawan mo’y sobrang nagkalasog-lasog, ngunit maniwala ka sa’kin, ayos ka lang.

At iyon yung kailan nakita mo ako.

“Ano… Anong nangyari?” tinanong mo. “Nasaan ako?”

“Namatay ka,” sinabi ko ng walang paligoy-ligoy. Walang saysay sa paggamit ng iba pang salita.

“May… may isang trak, at iyo’y dumudulas…”

“Oo,” sinabi ko.

“Ako… Namatay ako?”

“Oo. Ngunit huwag ka nang malungkot. Lahat naman ay namamatay,” sinabi ko.

Tumingin ka sa paligid. Ang kawalan, ikaw at ako ay nandirito lang. “Ano ang lugar na ito?” tinanong mo. “Ito ba ang kabilang-buhay?”

“Parang gayon na nga,” sinabi ko.

“Ikaw ba ang Panginoon?” tinanong mo.

“Oo,” Sinagot ko. “Ako ang Panginoon.”

“Ang mga anak ko… ang asawa ko,” sinabi mo.

“Paano na sila?”

“Magiging ayos lang ba sila?”

“Yan ang gusto kong makita,” sinabi ko. “Kamamatay mo lang at ang una mong inaalala ay ang iyong pamilya. Yaan ang isang mabuting bagay.”

Tiningnan mo ako nang may pagka-mangha. Sa iyo, hindi ako mukhang Diyos. Mukha lang akong isang lalaki o ‘di kaya’y babae. Isang hindi-tiyak na awtoridad, siguro. Higit sa isang guro kaysa sa makapangyarihan.

“Huwag kang mag-alala,” sabi ko. “Magiging ayos din sila. Maaalala ka ng mga anak mo bilang isang magaling na ama sa lahat ng paraan. Hindi sila nagkaroon ng pagkakataong maging pasaway sa’yo. Ang asawa mo’y iiyak, ngunit palihim na hinalinhan. Sabagay, ang kasal nyo ay nagkawatak-watak. Kung ito ay anumang pag-aliw, magsisisi siya sa nararamdaman niya.”

“Tapos…” sinabi mo. “Ano na’ng mangyayari ngayon? Mapupunta ba ako sa langit o sa impiyerno o ano man?”

“Wala roon,” sinabi ko. “Mabubuhay kang muli.”

“Ah,” sinabi mo. “kung gayon, tama ang mga Hindu.”

“Ang lahat ng relihiyon ay tama sa kani-kaniyang paraan.” sinabi ko. “Sumama ka sa akin.”

Sumunod ka habang tayo’y naglakad sa kawalan. “Saan tayo pupunta?”

“Wala naman.” sinabi ko. “Maganda lang na naglalakad tayo habang nag-uusap.”

“Anong silbi, kung gayon?” Nagtanong ka. “Kapag ipinanganak ako muli, ako ay magiging isang parang blankong pisara, diba? Isang sanggol. Kung gayon, lahat ng aking karanasan at lahat ng ginawa ko sa buhay na ito ay mawawalan ng saysay.”

“Hindi naman!” sinabi ko. “Nasa kalooban mo ang lahat ng kaalaman at karanasan ng lahat ng dati mong mga buhay. Hindi mo lang sila naaalala ngayon.”

Tumigil ako maglakad at hinawakan kita sa iyong balikat. “Ang iyong kaluluwa ay mas kahanga-hanga, maganda at napakalaki kaysa sa kaya mong isipin. Ang isip ng tao ay maaari lamang maglaman ng isang maliit na maliit na bahagi ng kung ano ka. Ito ay parang sinasawsaw mo ang daliri mo sa baso ng tubig upang malaman kung ito’y mainit o malamig. Inilagay mo ang maliit na bahagi ng sarili mo sa lalagyan, at kapag inilabas mo uli ‘yun, mapapasa’yo lahat ng karanasan na naranasan niya.

“Naging isa kang tao sa nakaraang apat napu’t walong taon, kaya hindi ka pa nakakalayo upang maramdaman ang iyong napakalawak na kamalayan. Kung tayo ay tumambay dito sa matagal na panahon, masisimulan mong maalala ang lahat. Ngunit walang saysay ang paggawa niyan sa kalagitnaan ng bawat buhay.”

“Ilang beses na akong nabuhay, kung gayon?”

“Marami. Napakarami. At sa napakaraming iba’t-ibang buhay.” sinabi ko. “Sa pagkakataong ito, ikaw ay magiging isang babeng Intsik na magsasaka sa taong 540 A.D.”

“Sandali, ano?” Nauutal ka. “Ipapadala mo ako sa nakaraan?”

“Parang ganon na nga. Ang oras, tulad ng pagkaka-alam mo nito, ay umiiral lamang sa iyong sanlibutan. Iba ang mga bagay-bagay kung sa’n ako nagmula.”

“Sa sa’n ka nagmula?” nagtanong ka.

“Panigurado,” Ipinaliwanag ko. “Ako ay nagmula sa isang lugar. Sa ibang lugar. At may mga ibang kagaya ko. Alam kong gugustuhin mong malaman ang mga kaganapan do’n, ngunit sa totoo lang, hindi mo maiintindihan.”

“Oh,” sinabi mong may kaunting pagkadismaya. “Ngunit… sandali. Kung mabubuhay akong muli sa ibang lugar sa ibang panahon, maaaring nakasalamuha ko ang aking sarili sa isang pagkakataon.”

“Oo. palagi itong nangyayari. At dahil ang parehong buhay ay may kamalayan lamang sa kani-kaniyang katagalan, hindi mo napapansing nangyayari ito.”

“Kung gayon, para saan ang lahat ng ‘yon?”

“Seryoso?” Nagtanong ako. “Seryoso? Humihingi ka sa akin ang kahulugan ng buhay? Hindi ba medyo iyon na isteryotipo?”

“Eh hindi naman masama magtanong,” pumilit ka.

Tiningnan kita sa mata. “Ang ibig-sabihin ng buhay, ang dahilan kung bakit ko nilikha ang sanlibutan na ito, ay upang ikaw ay matuto.”

“Ibig mong sabihin ang sangkatauhan, nais mo kaming matuto?”

“Hindi, ikaw lang. Ginawa ko ang buong kalawakan para sa iyo. Sa bawat bagong buhay na lumalaki ka at tumatanda at nagiging isang mas malaki at mas may malawak na kaalaman.”

“Ako lang? Paano ang iba?”

“Wala ng iba pa,” sinabi ko. “Sa sanlibutan na ito, ikaw lang at ako ang narito.”

Tinitignan mo ako nang nakatunganga. “Ngunit ang lahat ng tao sa daigdig…”

“Lahat ay ikaw. Iba’t-ibang pagka-katawang tao mo.”

“Sandali. ako’y bawat tao!?”

“Ngayon nakukuha mo na.” sinabi ko kasabay ng masayang sampal sa likod mo.

“Ako ay ang lahat ng taong nabuhay??”

“O lahat ng mabubuhay, oo.”

“Ako si Abraham Lincoln?”

“At ikaw din si John Wilkes Booth.” sinabi ko.

“At ako si Hitler?” sinabi mong nanlulumo.

“At ikaw ang milyon-milyong niyang pinatay.”

“Ako si Hesus?”

“At ikaw ang lahat na sumunod sa kanya.”

Natahimik ka.

“Sa lahat ng pagkakataong nambubulas ka,” sinabi ko, “binibiktima mo ang sarili mo. Lahat ng kawang-gawang nagawa mo ay nagawa mo sa sarili mo. Lahat ng masasaya at malungkot na pagkakataong nararanasan ng kahit na sinong tao ay naranasan o mararanasan mo.”

Nagmuni-muni ka nang matagal.

“Bakit?” tinanong mo ako. “Bakit ginawa mo’ng lahat ng ‘to?”

“Dahil pagdating ng panahon, ikaw ay magiging katulad ko. Dahil ikaw ‘yan mismo. Ikaw ay kaparehas ko. Ikaw ang anak ko.”

“Wow!,” sinabi mong ‘di makapaniwala. “Ibig mong sabihin, ako’y isang bathala?”

“Hindi, hindi pa. Isa ka pang papalaking sanggol. Kapag naisabuhay mo na ang lahat ng bawat buhay ng isang tao sa lahat ng panahon, lalaki ka nang sapat para maipanganak.”

“Kung gayon ang buong sanlibutan,” sinabi mo, “ito’y isa lamang…”

“Isang itlog.” sinagot ko. “Ngayon panahon mo na upang magpatuloy ka sa iyong susunod na buhay.”

At inihatid kita sa iyong patutunguhan.